Super Tatang

Malakas ang ulan. Ngunit umaaraw. May kinakasal na tikbalang. Tumayo ang mga testigo dahil dinemanda ang nanay ng bida dahil sa pagnanakaw ng bagoong kaya sinampal niya ang kaniyang aso dahil kinain niya ito ng hilaw. Nagkamot na lang ng ulo ang aso dahil hindi pa ito naliligo. Humatsing si Tatang. Si Tatang Namoh pala ang bida dito, binata pero meron siyang tatlong anak. Dahil inanakan siya ng tatlong babaeng hindi niya kilala. At ang tatlong anak niya ay inanakan din, kaya siya tinawag na Tatang Namoh.

Naglalakad si Tatang Namoh nang minsan nakasalubong niya ang kaniyang apo na may dalang "magic beans".

"Kanino galing iyang mga yan?” Tanong ni Tatang Namoh.

"Pinalit ko po yung aso natin, pinilit po kasi ako ni Boy Baho, eh. Sabi nung apo niya.

"Sinong Boy Baho? Tanong ni Tatang.

"Ewan ko po, basta naamoy ko lang po siya kaya Boy Baho na po ang tawag ko sa kaniya." Sagot ng tarantado niyang apo.

"Ano naman ang magic niyan?" Tanong ni Tatang.

"Pagkinain ko raw po ito, matututo na raw po akong magsepilyo." Ang sagot ulit ng apo.

"Wag, baka hindi ka makilala ng mga tropa mong bulag!" Sabi ni Tatang.

"Ay, oo nga, baka ma-turn-off sila sa akin.” Ang sagot ulit ng apo.

Kaya ang ginawa nila ay tinanim na lang nila ang mga magic beans. At nagulat na lang sila nang merong tumubong giant kangkong.

Abot sa langit yung giant kangkong na iyon. Inakyat iyon ni Tatang Namoh. Dalawang linggo niya iyong inakyat. Ngawit na ngawit na siya.

Nang malapit na siya sa tuktuk, ay may nakita siyang karatula... ang nakasulat ay...

"Tanga! Mali ang pag-akyat mo! Hindi ito inaakyat. Elevator itong kangkong na ito! Hindi ka sumakay! Meron namang pindutan sa baba! Sayang lang ang pagod mo! Bobo!"

Iyon ang nakasulat sa karatula. Kaya umiyak si Tatang dahil hindi daw siya marunong magbasa. Sana naman daw ay nabasa niya iyon dahil baka iyon daw ay isang magandang tula. Iyak pa rin siya nang iyak. Kaya nahulog siya.

Habang nahuhulog siya ay meron siyang nakakwentuhang isang gwapong unggoy. Ewan ko, basta gwapo siya. At binigyan siya ng magic panyo na kapag nilunok niya ay magiging superhero siya. At pagkalaglag niya ay sinubukan niyang lunukin ang panyo kung magiging superhero siya.

Ngunit hindi siya naging superhero. Dahil kelangan pa niyang magpatahi ng costume. Kaya niluwa niya ang panyo. At ang panyo ay naging costume.

Tuwang-tuwa si Tatang Namoh. Kahit ang costume ay pang Ninja Turtle. Pinagalitan siya ng kapitbahay niya dahil ang pangit-pangit niya. Kaya ayun, lumipad siya sa kalawakan at may napulot siyang chapa. At siya'y naging pulis kalawakan.

Handa na siyang makipaglaban ngunit kelangan pa niyang maligo. At naligo nga siya. Tisoy pala si Tatang Namoh. Akala nila Bumbay. Galit na galit si Tatang Namoh dahil nag-iba daw ang kaniyang itchura. Sana daw ay hindi nalang siya naligo.

Ang mga taong bayan ay nagpa-pyesta. Dahil ngayon lang daw nawala yung amoy panis na kare-kare sa paligid. At bigla nalang may lumitaw na Ha-li-maw. Malakas iyon.
Malakas kumain. Malakas umutot. Kaya natakot ang taong bayan.

Nabalitaan ito ni Tatang dahil nabasa niya ito sa diyaryo. Kaya sumigaw siya ng... "Metamorpusist!"

"Tanga!" Ang sabi ng gwapong unggoy (na nakakwentuhan niya nung siya ay nahuhulog).

"Ang dapat na sabihin mo ay... “Metamorph-mosis! Kelangan merong dash! Bobo!" Naging superhero ang unggoy ngunit nabigatan ito sa costume kaya ito ay namatay.

Kung sa bagay, masagwa naman talaga ung Ninja Turtle na unggoy. Kaya kinuha nalang ni Tatang ang costume at sinuot niya ito, at siya na si Super Tatang. Isa siyang pulis pangkalawakan.

“Nasaan na ba ako?” Susugurin na sana ni Tatang ang Ha-li-maw ngunit hinila siya ng mga bata at dinala siya sa birthday party. Akala siguro ng mga bata siya si Donatello.

Pinakain siya ng spaghetti at lalo siyang lumakas. Kaya wala nang nakapigil sa kaniya sa paghabol sa Ha-li-maw. At naghabulan ang dalawang magkalaban. Nahuli niya ang Ha-li-maw dahil nawala ito sa concentration dahil nakakita ito ng isang seksing babaeng Ha-li-maw. Kaya nahuli siya ni Tatang.

Inatake ng rayuma si Super Tatang at nakawala ang Ha-li-maw. Kumain ulit ng spaghetti si Tatang at nawala ang rayuma at naghabulan ulit ang dalawa.

Napadpad sila sa Baguio. Nanginig sa ginaw ang Ha-li-maw dahil wala itong salawal. Kaya nahuli ulit ito ni Super Tatang. Mejo matagal nga lang sila nakabalik dahil naligaw pa sila.

Nakawala ulit ang Ha-li-maw dahil nakapulot ito ng anting-anting. At nanggulo na nman ito. Ngunit hindi agad naka-responde si Tatang dahil tumatae pa ito. Wala pang sabon. Ngunit hindi siya makatiis kaya sumigaw siya ng "Metamorph-mosis!" At naging Super Tatang ulit.

Tuwang-tuwa ang mga tao. Gusto nilang manood pero nagbago ang isip nila dahil umaalingasaw pa ang kamay ni Tatang.

Nagkita ulit sila ng Ha-li-maw.

"Wag mo akong subukan! Marami akong nakaing spaghetti, kaya humanda ka!" Sabi ni Tatang.

Ngunit tinawanan nalang ito ng Ha-li-maw dahil hindi ito nakakaintindi ng Tagalog. Spaghetti lang ang naiintindihan nito dahil siya ay isang Italyanong Ha-li-maw.

Nag-jack-en-poy sila para malaman nila kung sino ang unang susugod. Napikon ang Ha-li-maw kaya binaril niya si Tatang. Ngunit hindi namatay si Tatang. Nagalit ito dahil tinamaan ang kaniyang kaliwang mata.

Paborito pa naman daw ni Tatang ang kaniyang kaliwang mata. Sana daw ay kanan nalang ang tinamaan.

Kinalbo ni Super Tatang ang Ha-li-maw.

Naasar ang Ha-li-maw. Nag-concentrate ito at bumaho ang paligid.

Napa-iyak si Tatang dahil naalala niya yung mabahong dagang namatay dahil inispreyan ng pabango. Kaya nag sign-language si Tatang. Gaganti siya.

Tinanong niya ang Ha-li-maw kung ano ang paborito niyang mata. Sumenyas ang Ha-li-maw... left.

Binulag ni Tatang ang kaliwang mata ng Ha-li-maw. Tawa ng tawa ang Ha-li-maw. Dahil hindi naman daw kaliwa ang paborito nitong mata kundi kanan. Uto-uto raw si Tatang. Nagkamali daw siya ng binulag. Ang tawa ng Ha-li-maw.

Binaril siya ni Super Tatang. Galit na galit ito dahil tinamaan daw siya sa pigsa na pagaling na sana. Nag-concentrate ang Ha-li-maw at nagtakip naman ng ilong si Tatang. Iba pala ang ginawa ng Ha-li-maw. Lumaki ang Ha-li-maw. Kasing-laki ni Godzilla.

Binato niya si Tatang ng puno. Hindi tinablan si Tatang. Binato ng Ha-li-maw si Tatang ng bundok. Tinablan na siya. Tinablan na daw siya dahil maraming puno na raw iyon. Nasaktan si Tatang ngunit hindi niya iyon pinahalata dahil kinukunan sila ng videocam.

Kaya pala sa umpisa pa lang ng away ay ngiti na ng ngiti si Tatang, kumakaway pa.

Naalala niya ang mga hi-tech niyang kagamitan. Sumigaw siya.

"Super electric spaceship!"

Dumating ang kaniyang spaceship na de-kuryente. Tumalon si Tatang sa spaceship.

"Babaan mo naman ang paglipad mo hindi kita maabot!" Sabi ni Tatang.

Nabagsakan si Tatang ng spaceship. Ngunit hindi pa ito sira kaya pina-andar niya ito. Tumakas na ang malaking Ha-li-maw.

"Kayang-kaya nitong habulin ang Ha-li-maw." Ang wire daw niyon ay sobrang haba. Sinukat para malibot ang buong mundo. Ganun iyon kahaba.

Ngunit nabigo si Tatang dahil dalawang beses nilibot ng Ha-li-maw ang daigdig. Tawa ng tawa ang Ha-li-maw ngunit bigla itong umiyak. Nasa likuran na pala niya si Tatang. Ginamit niya ang kaniyang su-per po-wer.

Puwede naman pala niyang gamitan ng su-per po-wer, meron pa siyang nalalamang mga pa spe-spaceship.

Nagsuntukan silang dalawa. Lumiit na pala yung Ha-li-maw, nakalimutan kong sabihin. Hindi makasuntok ang Ha-li-maw dahil wala nman itong kamao dahil ang Ha-li-maw na ito ay isang flying fish. Tumatadjak nalang ito dahil meron itong isang paa sa kaniyang batok.

Napikon ang Ha-li-maw na flying fish at nilabas niya ang kaniyang kapangyarihan. Tinira niya si Super Tatang. Malakas ang panirang iyon. Imposibleng mabuhay pa ang tatamaan nun. Yun eh, kung tatamaan ka lang naman. Ang bilis ng panirang iyon ay 12 inches/second.

Nakailag ang ating bida. Tawa nang tawa si Super Tatang. Masayang-masaya siya dahil nakailag siya.

Nadulas si Super Tatang. Nahulog sa bangin. Kinain ng mga piranha. Patay ang ating bida.

Iyak ng iyak ang Ha-li-maw dahil wala na daw siyang kalaro ng patay-patayan.

The end.

Moral Lesson: Hindi lahat ng bida ay matalino.

Inside Joko Jun

Joko Jun features Filipinos from around the world... musicians, writers, photographers, and other creative people.