Ikaw Lang

Sa dami ng pagpipilian
Maraming mga dumaan
Lahat kinilatis at tiningnan
Binuhusan ng pansin at pinaglaanan ng panahon.

Lahat nanunuyo
Lahat nagsusumamo
Lahat ibibigay
Makuha lamang ako.

Kaysarap damhin
Bawat panahong nakamit
Bawat atensyong nakuha
Bawat bulaklak na nasamyo.

Subalit, sa kadulu-duluhan
Ikaw lang ang hanap, sinta.
Wala kang kapantay,
Wala kang kapareha.
Lahat sila’y
Tila huwad at manggagaya.

Ano mang pilit ko,
Ano mang pilit nila,
Ibang-iba ka,
At wala nang makahihigit pa.

Inside Joko Jun

Joko Jun features Filipinos from around the world... musicians, writers, photographers, and other creative people.