Hindi Pala

Noong una kang makita,
Nagandahan ako sa iyong mukha.
Sinundan kita at nagpakilala,
Akala ko ay madali, hindi pala.

Wala akong balak na seryosohin ka,
Gusto ko lang sanang subukan ka,
Dahil akala ko madali ka lang makuha,
Ngunit hindi pala, matino ka.

Hindi ko namamalayan,
Nahuhulog na sa iyo ang aking kalooban.
At nang lubusan kitang makilala,
Huli na, gusto mo nang kumawala.

Ngayo'y napagtanto kong iniibig kita,
Ikaw pala ang babaeng hindi ko makita sa iba.
Subalit bumigay ka, gusto mo nang lumaya.
Ako'y nagsisisi, subalit huli na.

Inside Joko Jun

Joko Jun features Filipinos from around the world... musicians, writers, photographers, and other creative people.