Learning To Breathe

I finally set myself free from all the hurt and pain you had brought upon me. It took me a long time to finally realize that I could be a much better person without you. You only caused me so much pain and suffering by being with you.

You lead me on to something that wasn’t there.

Bakit? Anong nagawa ko para tratuhin mo ako ng ganun? Akala ko porke’t matanda ka sa akin, eh, mas matured ka kesa sa mga naging kasintahan ko. Pero mali pala ang aking akala.

Never assume or presume.

Napakabait ko talaga. Kasi kahit na niloloko mo lang ako at pinaglalaruan, iniintindi ko pa rin ang sitwasyon mo. Pilit kong kumawala sa iyo pero, ayaw mo e. Bakit? E, wala ka namang naramdaman sa akin noong una pa.

How much more, ngayon?

Ilang beses na akong nakipaghiwalay sa iyo? Hindi pa nga tayo nagsasama ng anim na buwan, nang naisipan ko nang kumawala, pero ano? Wala, nagpanic ka at tinanong mo ako kung bakit? At ako naman si tanga, pumayag na subukan uli natin. Ilang beses na nangyari ang ganitong sitwasyon? Dalawa? Tatlong beses na ata.

Kahit anong pilit kong umalis at mawala sa buhay mo, ayaw mo. Bakit? E sya naman ang mahal mo eh? Ikaw na mismo ang nagsabi na sa kanya mo naramdaman ang TUNAY NA PAGIBIG. At kahit sa huling hantungan dalahin mo ang pag-ibig na iyon para sa kanya. At kahit na pangalawa ka lang sa buhay nya, tatanggapin mo yun, basta makita at makapiling mo lang sya. Sinabi mo rin na kahit na may iba ka na, pag napagisip-isip nya na mahal ka nya ay tatanggapin mo siya uli at iiwanan mo kung sino man ang kasintahan mo. Aba, ayaw kong ako yung babae sa buhay mo na iiwan mo para sa kanya.

Hindi ako ikaw.

Iba tayo ng pananaw at prinsipyo sa buhay, kung ikaw ok sa iyo na maging "second best" sa buhay nya, ako HINDI. Kaya kong mabuhay nang wala ka. Nabuhay ako noon nung wala ka, of course mabubuhay ako ngayon mawawala ka na. Masakit sa una pero alam kong kaya ko ito. Kung nakayanan ko ang mga pangloloko at kasinungalingan mo, malamang mas makakayanan kong tumayo sa sarili kong mga paa pagwala ka na.

Bakit di mo na lang balikan sya tutal sya naman talaga ang mahal mo. Di ba’t ikaw na din ang nagsabi na makakahanap din ako ng taong magmamahal sa akin ng higit pa sa pagmamahal na maibibigay ko sa kanya? Na mas mahihigitan pa nya ang pagtrato nya sa akin kesa sa pagtrato mo sa akin?

Handa na akong iwanan ka; handa na akong mawala ka sa buhay ko. Panay pasakit at sama lang ng loob ang iniwan mo sa akin. Wala na akong pagmamahal na nararamdaman para sa iyo. Pagod na akong magpasensya at umintindi sa iyo. Ngayon, alam ko na kaya kong harapin kung ano mang pagsubok na dadating sa buhay ko. Kaya ko naman talaga iyon, napasandal lang ako sa iyo nang sobra, eh.

This time, I am learning to breathe.

Inside Joko Jun

Joko Jun features Filipinos from around the world... musicians, writers, photographers, and other creative people.